 |
 |
 |
|
Monday, August 22, 2005
Now I know what dessert I love most! MANGO CREPE with Chocolate Syrup!
EEEEEEE!!!
Just ate five!!! (and that's like Php125.00)
PS.
Don't tell me how much calories Mango Crepes are...=D
Posted at 8/22/2005 8:41:32 pm by badiTÜ
Permalink
...nakuha kong ma-survive ang paynals sa AlgTrig kanina...
Salamat naman at hindi ako nag-freak out. Actually...SEMI-Confident ako sa mga sagot ko..Salamat sa mga taong nagdasal para sa akin. you guys know who you are.
At sa mga taong nag-SMS sa akin kagabi at kaninang umaga...salamat din.
One down, two to go. Kakayanin ko 'toh!
...pero sa ngayon, Nap Time muna...inaantok pa ako. =D
Posted at 8/22/2005 2:12:50 pm by badiTÜ
Permalink
Sunday, August 21, 2005
Tatlong buwang mahigit na akong wala sa probinsya. I find myself blending here at the metro. Kaya ko nang lumabas at bumalik ng kwarto ko mag-isa. (How pathetic). I mean, kaya ko nang mag-commute mag-isa.
Tatlong buwang mahigit narin akong natutulog sa dorm. Sa totoo lang, komportable na ako sa munting kwartong ito, kahit na nagsisisiksikan kaming tatlo dahil sa sobrang daming gamit na nakalatag lang sa sahig.
Dati, pag-uwi ko after class, hindi ako mapakali sa kwartong ito. Hindi ako makapag-relax. Hindi ko alam kung bakit. Hindi lang ata ako sanay. Yun bang nasa mesa at silya lang ako lagi, hindi makadapa at tumihaya sa sahig, o yun bang kung pupunta ako ng banyo at kailangang naka-lock pa ang pintuan.LOL.
Nung nakaraang linggo lang ako naging sobrang komportable sa kwarto na ito. Actually, nung pagkatapos namin balibagin at i-renovate ang kwarto. Nilipat namin ni Le-An (ang room mate kong classmate ko nung hayskul) ang mga kama at silya namin. Dati, magkahiwalay ang kama naming dalawa. May silya at kompyuter at CPU na naghihiwalay sa kama namin. At ang kama ko ay nasa gitna ng silya ko at ng silya ni Chezzi (isa ko pang roommate na galing Angeles, Pampanga). Pagkatapos naming balibagin...TADA! Ayos! Magkatabi na ang kama namin ni Le-An! At ang silya namin ay magkatabi narin. O diba? Bonded na kaming dalawa! Magkatabi na kami matulog.
Kahit na hindi ko gusto ang amoy ng kwarto namin (amoy yosi, kasi yung ibang tenants dito nagyoyosi) ay napamahal narin ako sa kwartong ito. Komportable narin ako,...sa wakas! =D
Posted at 8/21/2005 1:25:49 am by badiTÜ
Permalink
Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong kulang-kulang ang tulog ko, na-realize ko nalang bigla na hindi ko na yata kaya etong ginagawa ko - ang pagiging isang ComSci student. Hindi ko na yata kayang magtiis pa ng tatlong taong na-o-OC at natutulog ng madaling araw nang hindi pa nakakapaghilamos man lang.
Nasabi ko na sa close friend kong si Jer na balak ko nang mag-shift papuntang UST (MedTech sana), at natanong ko na nga ang mga kaklase ko na nasa USTe kung papaano ang sistema ng pag-shift, dahil sobrang desidido na ako na lilipat na ako. Kumbaga, "I give up ComSci" Tanggap ko, I lose, bumigay ako nang di oras. Alam ko naman ang consequences na mabubuhos sa akin eh...Sasabihin ng mga tao na Nag-shift kasi hindi para sa ComSci ang utak, Nag-shift kasi hindi na kaya ang ComSci, Nag-shift kasi bagsak ng ComSci. Ganyan naman eh. Ayos lang...alam naman ng mga taong kakilala ko kung bakit ako mags-shift, and mind you...HINDI PO AKO BABAGSAK NG COMSCI.
Sya nga pala, pagdasal 'nyo naman ako...
1. na sana makakuha ng 93/100 sa AlgTrig (Algebra and Trigonometry) upang ang lalabas na numero sa course card ko ay 3.5 at hindi 3.0 (Ang sistema ng La Salle ay baliktad...Quatro ang pinakamataas at Uno ang pinakamababa)
2. na sana makakuha ako ng atleast 20/100 sa ComPro1 (Computer Programming 1) upang magkaroon ako ng 1.0 sa course card...Kayang kaya ko yan...I'm aiming to get higher than 1.0...pero yan ang base case. ^_^
3. na Ma-Quatro ko sana ang Filipi1 at ang PE (Napaka-airhead ko, noh?!)
...yan lang naman. Ngayon, babad ako sa kakaaral ng AlgTrig...target ko kasi yang 3.5 eh...diba nga, hangga't sa makakaya, SIGE!=D
...teka, balik sa dramahan ko...
Despite the fact na desidido na ako 75% na mags-shift na ako ng course (anything far from comsci), hindi parin ako mags-shift. I WON'T GIVE UP! And I'll give ComSci another chance...hmmm...ano toh? Must've been love?!? Kahit na hindi talaga ako mapaibig-ibig sa ComPro1. Haay, pasalamat nalang tayo na hindi ako uulit ng ComPro next term...basta ba e 20 ang makuha ko sa paynals. Salamat. ^__^
Hindi ako nagsasalita ng patapos, at hindi rin ako over-confident.. I'm just prepping myself up, I'm just being optimistic. Diba?!=D
Kaya wag kayong magtataka kung bakit nasa Gokongwei padin ako next term. GO!
Posted at 8/21/2005 1:09:48 am by badiTÜ
Permalink
Thursday, August 11, 2005
Pagkatapos ng isang buong linggong walang tulog, natapos narin ang Machine Project ko na aking pinaghandaan ng mahigit isang buwan. Sa wakas, makakatulog na ako at mananaginip ng matino...away from printf at scanf . Maniwala man kayo o hindi, dalawang gabi na akong nananaginip ng mga codes ng C++. Oo! Nasa harapan daw ako ng PC ko at nagtatayp ng mga codes...printf dito, scanf doon. Grabe! Ano ba? Obsession?? O baka naman ay hindi lamang mapakali ang utak ko sa unfinished businessed na 'toh?? Pero *pweh!* tapos na 'tong lahat! Tapos na! Tapos na...tapos na! =D
Ngayon na lamang ulit ako nakakapagngiti sa mga taong kumakaway at tumatawag sa akin. Buong linggo, sabog ako. Buong linggo, wala ako sa sarili. Imagine, alas-tres y medya na ng umaga, hindi parin ako nakakapagligo, pano, pagkatapos ng klase, deretso ako sa kompyuter lab upang i-compile ang source codes ko (onga pala, Computer Science pala ang kors ko). Hanggang alas-nuwebe ako ng gabi sa loob ng komlab, kasama si Jerwin, ang aking upperclassman-tutor-friend-saviour. Pagkatapos ay pupunta kami ng McDo upang maghapunan, at hanggang 10 ng gabi kami sa McDo, walang ginagawa kundi nagkukuwentuhan at nagaasaran. Pagtapos ay uuwi na ako dito sa aking munting-beloved dorm at wala na akong gagawin kundi mag-compile at mag-compile ng machine project ko. Biruin mo, hanggang alas-3 ako sa harapan ng kompyuter! Ni paghinga nakalimutan ko nang gawin! ^0^. Bawat sekundo, minuto at oras ay napakahalaga para sa akin. At simpleng bagay lamang, nakakapag-irita na sa akin. Nasigawan ko pa ang kaibigan kong makulit...na nanlalambing lang naman! Haay, buhay! Okey lang, tapos na iyon!
Siya nga pala, bago ko makalimutan...
- Kuya JERWIN na taga-DLSU...SALAMAT!!!SOBRA!!! Diba nga, You did saved my soul! :D
- Ahya Jerwin na taga-Makati. Ahya, thanks sa mp na ginawa mo, minodify lang namin, without that, wala akong first step! Sheesh, sorry kung patext-text lang ako kung may kailangan. Sorry din kung ang kulit kulit ko na nga, demanding pa! Basta Salamat! :D
- Sa mga blockmates kong sina Mic, Jhovee, Martin, Joyce, Erika, Enzo...Salamat sa pagtulong niyo sa MP ko. Di n'yo lang alam, ang LAKI ng tulong na binigay nyo. Sobra ko talagang na-appreciate yung effort and time niyo. ;D Hindi nga kayo selfish. SALAMAT
- Kay Aleta, Salamat sa pagpapahiram ng laptop mo ng late at night para lang masend ko sa kuya ko yung specs ko. Salamat! Kahit na nabulabog kita, ang bait mo padin at smile na smile. Salamat talaga!
- Kanila Atsi Joyce at atsi Kat sa effort nila at sa willingness nila na tulungan ako. Thank You. Sorry din pala kung sabog ang pag-explain ko ng MP ko.:D SALAMAT :D
- At sa lahat ng tao na never seized to inspire and motivate me to do my MP at once...Thank you. you guys know who you are.:D
Posted at 8/11/2005 7:58:18 pm by badiTÜ
Permalink
Tuesday, July 12, 2005
Of Snobs and Social Climbers...
7 weeks in Toxic City, I'm still surviving. Yeah Right!
For three consecutive days, I had been called a SNOB and a trying-hard SOCIAL CLIMBER. Sabi nila, I crave for the limelight daw...Masyado ko daw kinacareer ang pagiging icon sa DLSU.
Posted at 7/12/2005 12:31:54 am by badiTÜ
Permalink
Thursday, July 07, 2005
Today may seem my most relaxing day of the week, but HELL no. This week's Wednesday is the most stressful day ever, yet.
Eventhough I only have a 1-hour class today, ONE 1-hour class only, and the fact that that 1 hour class was only FILIPI1 (Basic Filipino 1), I'm so exhausted from all the thinking and formula-formulating work I've been doing. Imagine, I spent 8hours+ infront of my computer, figuring out how to construct a program that displays the multiplication table. Sounds easy, ey?? But nooo. It took me my entire morning and the entire siesta evening just to do it. And VOILA! I did it. *applaused*
Here's the program (C Language)
#include <stdio.h>
main()
{
int c,i,j,nStart,nEnd;
c=2;
printf ("Enter START number:");
scanf ("%d", &nStart);
printf ("Enter END number:");
scanf ("%d", &nEnd);
printf ("%7d",1);
while (c<=10)
{ printf (" %2d", c);
c++;
}
printf ("\n");
for (i=nStart; i<=nEnd; i++)
{
printf ("%3d ", i);
for (j=1;j<=10;j++)
printf ("%3d ", i*j);
printf ("\n");
}
}
...yes, yes, it's SHORT and it looks so EASY to do. But NOOO. ITS NOT EASY.
Posted at 7/7/2005 12:56:46 am by badiTÜ
Permalink
Thursday, June 30, 2005
Yes, after failing my first ComPro exam, here I am again, blogging, shitting all over the place.
I know I'm the most pessimistic person after my dad. Like what they say, the apple doesn't fall far from the tree. LOL. So, yea, I'm expecting I'll flunk one or more of my courses. Hopeless.No more chance to pass. I'm pessimist remember?!
But after hearing what happened to my friend's sister after flunking her first ComPro exam it gave me hope. BIG HOPE. She ended the first sem with a 3.0 even after failing the first exam. WHOA. @___@
So, there's hope after all. I was even planning to 'D-R-O-P'.
Weehee, I'm motivated. I'll get that 3.0. I'll just do.
Wait for me, I'll show you...
Posted at 6/30/2005 10:13:28 pm by badiTÜ
Permalink
Wednesday, June 29, 2005
Hindi ko na alam kung ano ang pinaggagagawa ko. Langya. Bwisit. Tangina...
Sino na ba ako ngayon??Hindi ko na kilala ang sarili ko. Minsan ay napaisip ako? Sino na ba ako??
Maliban sa isang estudyanteng babad sa pag-aaral at walang magawang matino, ako pa rin ba ang bunsong anak na tumutupad sa pangarap ng kanyang mga magulang na balang araw ay makaakyat sa entablado at makatanggap ng gantimpalang Cum Laude?
Ako pa rin ba ang kaibigang sumumpa sa harapan ng siyam na iba pang kaibigang babae na walang anumang bagay ang makakapagpigil sa akin upang sila ay tulugan? Walang anumang bagay, ha? E sarili ko?! Isang buwan mahigit na nga akong hindi nagpaparamdam sa kanila. Tila ay nakalimot na ako. Walang kwentang kaibigan...hanggang salita lang ako..
Ako pa rin ba ang konserbatibong babaeng takot lumabas kung gabi? 2 gabi na akong umuuwi ng mahigit alas-dose ng hatinggabi. Gagala kahit saan-saan. Kulang nalang ay makipag-inuman ako at magyosi sa kalye. Tangina
Hindi na ako ito. Hindi na talaga ako ito...
Posted at 6/29/2005 10:27:54 pm by badiTÜ
Permalink
Pagkatapos kong mabagsak ang EXAM ko sa COMPRO1, nababangag na ang utak ko sa kaiisip kung tama ba ang kursong kinuha ko. Di ko alam kung magugustuhan ko ba ang kurso ko hanggang sa hulian, ngayon pa lamang ay nabubuwisit na ako, paano pa kaya sa susunod??
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, magshi-shift? Lilipat ng kolehiyo? O magtitiis at magtitiyaga sa araw-araw na puyatan sa walang katapusang mga printf at scanf na aking mine-memorize.
Ayokong bumagsak. Ngunit nahihirapan na ako. Di ko man gustuhing bumagsak, mag-aral man ako araw-gabi hanggang sa mamuti ang mga uwak, wala pa ring kwenta. Piniga-piga ko na ang utak ko, ngunit BAGSAK parin ako. Hindi ko ginusto. Wala akong nagawang mali. Sinunod ko naman ang bilin sa akin ng mga magulang ko na mag-aral ng mag-aral, wag lalakwatsa. Pero bakit ganoon parin ang nangyari? PALPAK talaga ako. Ayoko na!
Tatlong araw mahigit akong nakababad sa mga notes ko, tatlong araw mahigit din akong kinakabahan at hindi makatawa ng malakas. Tatlong araw mahigit ang ginugol ko alang-alang sa pagsusulit na yan, at ano ang gantimpala ko???Tatlong araw na wala ulit tulugan. Tatlong araw mahigit ulit akong mag- iisip kung bakit nangyari iyon...
Sadya bang tatanga-tanga lang ako at babagal-bagal mag-isip?
Posted at 6/29/2005 9:47:24 pm by badiTÜ
Permalink
|
|
 |
|
 |
 |
 |
badit•sixteen• chinese• college frosh• complicated• colorful• never perfect
|
 |
|